in ,

Shaira Diaz, malapit nang mapanood bilang si Elsie sa ‘Lolong!’

“One of the boys, simpleng tao, at may paninindigan.” Ganito inilarawan ni Shaira ang karakter niyang si Elsie sa biggest action-adventure series ng GMA Network na “Lolong” na pagbibidahan ni Ruru Madrid.

Sa pasilip sa kanyang karakter bilang si Elsie, sinabi rin Shaira kung paano siya magiging bahagi ng buhay ni Lolong.

“Si Elsie po tinulungan ng family ni Lolong ang family niya. So malaki ang utang na loob niya sa kanila,” dagdag niya.