in

Miss World PH 2021 live na mapapanood sa iWantTFC, KTX.PH,TFC IPTV

Makikilala na kung sino sa 45 na naggagandahang dilag ang kokoronahang bagong Miss World Philippines 2021 sa gaganaping coronation night ngayong Sabado (Hulyo 25), 6 PM (Manila time) live sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.

Live ding maglalaban-laban ang mga kandidata sa Okada Manila para sa anim pang titulo, gaya ng Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Environment Philippines, Miss Eco Teen Philippines, at Miss Tourism Philippines.

Bago naman ang coronation night, rarampa rin ang mga beauty queen sa Gala Charity Ball na ipapalabas din nang live sa Huwebes (Hulyo 22), 6 PM (Manila time) sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.

Mapapanood ng pageant fans sa loob at labas ng Pilipinas ang bawat show sa halagang P99 o US$1.99 sa iWantTFC at TFC IPTV. Makakabili rin ng tickets sa KTX.PH para sa parehong coronation night at Gala Charity Ball sa halagang P149 o P99 para sa isang show.

Huwag palampasin ang pagpapakitang gilas nina Lea Macapagal, Rea Angelique Siozon, Joy Barcoma, Janelle Lewis, Pauline Robles, Shaila Rebortera, Donna Balaoro, Emmanuelle Vera, Ambriel Pascual, Michelle Arceo, Megan Campbell, Natasha Jung, Sade Nicha, Gwen Fourniol, Mika Leonardo, Anne de Mesa, Dannah Tempra, Tatyana Austria, Asha Gutierrez, Kyle Dorado, Kim Babao, Dindi Pajares, Shannen Manzano, Andrea Sulangi, Danica Dilla, Jo-Ann Flores, Trisha Martinez, Ruffa Nava, Ann Palmares, Julie Tarrayo, Riana Pangindian, Divina Villanueva, Angelica Famorcan, Maricollin Ramirez, Mary Guiral, Tracy Perez, Rachel Valera, Kathleen Paton, Kimberly Cimafranca, Dane Mayo, Samela Godin, Mara Ruiz, Ganiel Krishnan, Sherenade Gonzales, at Esel Ponce.

Ang magwawagi naman bilang Miss World Philippines ang kakatawan sa bansa sa prestihiyosong 70th Miss World Competition ngayong Disyembre sa San Juan, Puerto Rico.

Saksihan ang koronasyon ng Miss World Philippines 2021 ngayong Hulyo 25 ng 6 PM sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abscbnpr.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Shaira Diaz, malapit nang mapanood bilang si Elsie sa ‘Lolong!’

NCAA anchorman Anton Roxas, hanga kay Myrtle Sarrosa