in

Rhian Ramos, sineryoso ang acting sa ‘Stairway to Heaven’

Tinuturing ng Kapuso star na si Rhian Ramos ang 2009 series nila ng Primetime King na si Dingdong Dantes na ‘Stairway to Heaven’ bilang isa sa mga memorable project niya sa industriya dahil dito raw niya talagang natutunang seryosohin ang pag-arte.

Aniya, “Ito yung show that made me really fall in love with my job. Ito ‘yung nagpa-transform from wanting to be a popular celebrity to I wanted to become a good actress, kasi first I was a teen actress. All of my roles were very bubbly and pa-cute. Tapos ginawa ko ‘yung ‘LaLola.’ I did comedy acting from there. Ito (Stairway to Heaven) siguro ‘yung first experience ko ng dramatic acting.”

Dagdag pa ng aktres, talaga rin namang nagustuhan niya ang istorya ng kanilang mga karakter sa Philippine adaptation ng sikat na K-drama series na ito.

Buti na lang, maaari na itong balikan ng mga fans at televiewers sa rerun nito sa GMA Afternoon Prime mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Cassy Legaspi, ibinahagi ang workout routine

Naggagandahang Kapuso stars, tampok sa ‘Girls of Summer’