in

Rhian Ramos, aminadong hirap matulog nang magsimula ang ECQ

Halos abutan na raw ng pagsikat ng araw bago dalawin ng antok si Kapuso actress and Love of my Life star Rhian Ramos magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Kahit naka-adjust na sa tinatawag na ‘new normal’, aminado si Rhian na nahihirapan itong makatulog lalo na noong mga unang araw nito.

“Noong una, hirap na hirap akong matulog. Pa-late nang pa-late hanggang pinapanood ko muna ‘yung sunrise bago ako matulog,” pagke-kwento ni Rhian sa isang exclusive interview kasama ang piling press at GMA Network via Zoom.

Dagdag pa ni Rhian, noong kakadeklara pa lang daw ng ECQ ay excited pa siya dahil sa wakas ay nagkaroon ito ng oras para sa sarili gaya ng panonood ng shows, pag-aaral ng bagong skills, at mag-enroll sa mga online masterclass.

Sa paglipas ng panahon ay naisipan daw ni Rhian na gumawa ng routine at schedule para magkaroon ng structure ang kanyang mga araw.

Alas onse ng gabi ito natutulog at alas otso ng umaga ito gumigising saka raw siya gagawa ng mga gawaing bahay gaya ng pagluluto, paglalaba, at pagliligpit.

Habang tigil muna sa taping ang pinagbibidahang serye na Love of my Life, kasalukuyang napapanood si Rhian sa rerun ng Stairway to Heaven sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kris Bernal, may life lessons na natutunan ngayong quarantine

Sanya Lopez, name-maintain ang kanyang sexy figure