in

‘Prima Donnas,’ balik-telebisyon na!

Nagdiwang sa social media ang avid fans ng top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’ matapos ianunsyo ang pagbabalik-telebisyon ng programa simula August 17.

Halos limang buwan na mula nang huling napanood ang pinag-uusapang serye. Upang patuloy na mapasaya at makasalamuha ang fans, masayang chikahan at games ang inihandog ng Prima Donnas cast sa kanilang online show na ‘Prima Donnas: Watch From Home’ noong mga nakaraang buwan.

Kaya naman good news nga talaga para sa fans ng Kapuso series ang pagbabalik nito. Kasabay pa nga nito ang pagdiriwang ng serye ng unang anibersaryo ngayong buwan. Matatandaang nagsimula itong umere Agosto noong nakaraang taon, “Nagwala talaga ako dahil dito! The Donnas are back! Advance first anniversary na rin!”

Sariwain ang madamdaming kuwento ng tatlong Donnas na sina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan), at Lenlen (Sofia Pablo) at ang kanilang paghahanap ng katotohanan sa kanilang tunay na pagkatao. Abangan ang much-awaited comeback sa telebisyon ng Prima Donnas simula August 17 sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gladys Reyes, mayroon na ring online acting workshop for kids

Benjamin Alves at EA Guzman, paano nilalabanan ang anxiety sa gitna ng pandemic