in

Piolo Pascual at Pia Wurtzbach, magkatuluyan kaya sa ‘My Papa Pi’ season finale?

Ilang araw bago ang finale, humihiling na ng season 2 ang fans ng ABS-CBN sweetcom, na magta-tatlong buwan na rin sa paghahatid ng saya at pag-asa sa pangunguna ng direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Sa nalalapit na “hopeful season finale” ng “My Papa Pi” ngayong Sabado (Hunyo 18), malalaman na kung magiging happy ang ending para sa mga bidang sina Pipoy, Popoy, at Tere na ginagampanan nina Piolo Pascual, Pepe Herrera, at Pia Wurtzbach.

Sa dulo ng nakaraang episode, ipinasilip ang pagbabalak ni Tere na mag-propose kay Pipoy, na mukhang unti-unti na ring nahuhulog sa tinatangi ng kanyang yumaong kambal na si Popoy.


Ilang araw bago ang finale, humihiling na ng season 2 ang fans ng ABS-CBN sweetcom, na magta-tatlong buwan na rin sa paghahatid ng saya at pag-asa sa pangunguna ng direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Bentang-benta sa kanila ang kakaibang kwento at kwelang punchline ng programa at chemistry ng cast na kinabibilangan din nina Joross Gamboa, Frenchie Dy, Alora Sasam, Hyubs Azarcon, Katya Santos, Madam Inutz, Quincy Villanueva, Haiza Madrid, Anthony Jennings, at Daniela Stranner.

Hirit ng netizen na si Andrea Carios, “Season 2 plz! I’m very excited to watch this sweetcom every Sat.”

“This sitcom is actually awesome,” komento naman ng YouTube user na si FharAwayTV.

Magkakawatak-watak na kaya ang hopefuls ng Brgy. Gintong Tupa? Tuluyan kayang maghihiwalay ang landas nina Pipoy or Tere? Ano ang gagawin ni Popoy sa namumuong pag-iibigan sa pagitan ng dalawang taong pinakamahalaga sa kanya?

Alamin sa season 1 finale ng “My Papa Pi” ngayong Sabado (Hunyo 18), 7 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, iWantTFC, at TFC. Sundan ang Star Creatives sa Twitter , Facebook, at Instagram para sa updates.