in

Pinoy adaptation ng ‘Endless Love,’ muling mapapanood sa GMA Network

Matapos ang 11 years, muling mapapanood sa GMA Telebabad ang Philippine adaptation ng hit Korean drama na ‘Endless Love’ na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang Endless Love ay hango sa 2000 South Korean drama na ‘Autum in My Heart,’ ang unang installment sa season-themed series na ‘Endless Love.’

Kwento ito nina Johnny (Dingdong) at Jenny (Marian) na lumaki bilang magkapatid subalit mahuhulog sa isa’t isa nang malaman nila na hindi sila tunay na magkadugo.

Bukod kina Dingdong at Marian, kasama rin sa serye sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Bela Padilla, Tirso Cruz III, at Sandy Andolong.

Abangan ang pagbabalik ng ‘Endless Love,’ malapit na sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sunshine Dizon at Jake Ejercito, excited nang gawin ang ‘Marry Me, Marry You’ ng ABS-CBN

Jayda Avanzado handa nang magpasiklab sa unang major concert