in

Pagtatapos ng ‘Ang Dalawang Mrs. Real, ngayong Biyernes na!

Ngayong Biyernes (July 23), saksihan ang much-awaited finale ng GMA Afternoon Prime series na ‘Ang Dalawang Mrs. Real’ na pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Lovi Poe, at Ms. Maricel Soriano. 

Dahil sa labis na pag-aalala sa kanyang nawawalang anak, humingi na ng propesyunal na tulong ang mga magulang ni Millet (Maricel) na sina Henry (Robert Arevalo) at Aurora (Celeste Legaspi) para masuri ang kalagayan nito.

Patuloy naman sa paghahanap si Anthony (Dingdong) sa anak nila ni Millet. Nalaman na rin ni Shiela (Lovi) na wala si Anthony sa Cebu at sa halip ay hinahanap nito sa Maynila ang anak. 

Dahil sa awa at sobrang pag-aalala, pinauwi na ni Aurora si Millet sa pamilya nito. Muli na ring nagkasama sina Anthony, Millet, at Tonton sa kanilang bahay.

Samantala, lumabas na ang resulta mula sa korte at hindi makukulong si Shiela sa kasong isinampa ni Henry sa kanya. Tuluyan namang inaresto si Anthony sa salang bigamy at dinala sa presinto. Makakalaya pa kaya siya? 

Abangan ang madramang pagtatapos ng ‘Ang Dalawang Mrs. Real’ ngayong Biyernes, 4:15 pm, sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, nangungunang media company para sa mga fresh grad

Julie Anne San Jose, spotted sa billboard sa Times Square, New York!