in

Pagtatapos ng ‘Ang Dalawang Mrs. Real, ngayong Biyernes na!

Ngayong Biyernes (July 23), saksihan ang much-awaited finale ng GMA Afternoon Prime series na ‘Ang Dalawang Mrs. Real’ na pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Lovi Poe, at Ms. Maricel Soriano. 

Dahil sa labis na pag-aalala sa kanyang nawawalang anak, humingi na ng propesyunal na tulong ang mga magulang ni Millet (Maricel) na sina Henry (Robert Arevalo) at Aurora (Celeste Legaspi) para masuri ang kalagayan nito.

Patuloy naman sa paghahanap si Anthony (Dingdong) sa anak nila ni Millet. Nalaman na rin ni Shiela (Lovi) na wala si Anthony sa Cebu at sa halip ay hinahanap nito sa Maynila ang anak.