in

Pagbabalik nina Mel Tiangco at Mike Enrique, inabangan!

Pinag-usapan nitong Lunes ang 24 Oras matapos mapanuod ng publiko sina Mel Tiangco at Mike Enriquez na nagbabalik sa pagbabalita.

Full force na nga silang tatlo nina Vicky Morales sa paghahatid ng mga balita at impormasyon na talaga namang tinututukan ng buong bansa. Ang netizens, di rin napigilan ang kanilang kasiyahan na makitang muling magkakasama ang 24 Oras anchors.

Marami ang nag-post sa social media ng “Welcome back, Mel and Mike!” Balik din ang light banter ng Kapuso anchors sa dulo ng newscast.

Biro ni Vicky, itinaon daw ni Mel ang pagbabalik sa 24 Oras sa balita tungkol sa Korean actor na si Hyun Bin. Pareho pala nilang hinahangaan ang sikat na aktor.

Bukod kay Mel at Mike, balik-ere na rin last Monday ang late-night Kapuso newscast na Saksi kasama sina Arnold ‘Igan’ Clavio at Pia Arcangel.

Kahit sabihin pang araw-araw na napapanuod si Igan sa Unang Hirit at Dobol B sa News TV, at si Pia naman sa 24 Oras Weekend tuwing Sabado at Linggo, iba pa rin talaga ang makita silang magkasama sa Saksi.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Network, nananatiling “Buong Puso Para sa Pilipino”

Mikee Quintos, sasabak sa “E-Date Mo si Idol” ngayong Huwebes!