in

Paano na ang JaDine? James Reid, ibang makakasama sa teleserye

Magbabalik-teleserye na nga si James Reid pagkatapos ng halos 3 taon! Kamakailan lamang ay kumalas sa Viva Artists Agency si James at napabalita siyang lilipat sa GMA Network.

Ngayong hapon, nagkaroon ng big announcement ang ABS-CBN ng upcoming teleserye starring James Reid kasama ang K-Pop star na si Jewel Mcdonie ng Momoland. Kaya naman pala punong-puno ang ABS-CBN ngayong araw.

Ang kaso, hindi kasama ni James ang kanyang reel to real love team na si Nadine Lustre kaya naman ilang mga fans ang nagwawala ngayon sa Social Media.



Understandable din naman ang reklamo nila dahil ilang taon din naman silang naghintay para sa next teleserye ng JaDine. Feeling tuloy nila ay naitsapwera si Nadine.

Buti naman ang iba marunong makaintindi ng sitwasyon.

But don’t worry daw, may upcoming show naman si Nadine bilang reality show judge sa upcoming show ng ABS-CBN na ‘Your Moment’ kaso hindi pa alam kung kelan ito ipalalabas.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Coco Martin, papayag kayang umurong? 1st timeslot, dapat ilagay ang ‘Starla’

Korean Group na MomoLand, Kapamilya na!