in

‘One Of The Baes’ ng RitKen, panalo sa pangalawang araw!

Hindi pa lumalabas ang ratings ng pilot episode ng ‘One of the Baes,’ bagong teleserye ng GMA Network starring Rita Daniela and Ken Chan, pero naipost na agad-agad ang ratings ng second day galing sa Nielsen Phils. TAM NUTAM People Ratings.

Sa Instagram ngayong hapon, ipinost ni Ken Chan ang TV ratings galing sa NUTAM noong araw ng Martes (October 2) at panalo ang ‘One of The Baes.’

Talong-talo ng bagong Kapuso teleserye ang dalawang katapat na shows sa ABS-CBN. 8.4% ang nakuha ng ‘One Of The Baes’ laban sa ‘The Killer Bride’ na nagtamo lamang ng 7.8%. Samantala, bahagyang bumaba ito ng 7.2% nang makatapat nito ang bagong Kapamilya Asianovela na ‘Code Name: Terrius’ na higit na mas mababa na may 5.5%.

Mukhang kahit paano naman pala ay nakatulong ang isyung nagamit si Alex Gonzaga na napabalitang nang-isnab sa airport.

Ipinost din ang art card na ‘yan ng prducer ng programa na GMA Publis Affairs sa Twitter, “Muli, maraming salamat sa inyong bonggang suporta, mga kabaBAEyan! Hindi kami magsasawang ibahagi ang good vibes sa inyo gabi-gabi! πŸ’–”

Kasabay pa nito ang mga Kapuso staff at cast ng programa na talagang nagbubunyi sa kanilang tagumpay.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Judy Ann Santos, dapat nga bang kabahan sa pagtapat sa teleserye ni Alden Richards?

ABS-CBN, dadalhin ang unang Pinoy Media Congress Caravan