in

Judy Ann Santos, dapat nga bang kabahan sa pagtapat sa teleserye ni Alden Richards?

Confirmed na ngang ang teleserye ni Judy Ann Santos ang papalit sa timeslot na iiwan ng ‘The General’s Daughter’ ni Angel Locsin. Maganda ang timeslot na ito na ilang beses nang nag-number 1 nationwide sa NUTAM pa ‘yan o Kantar Media dahil sa ‘The General’s Daughter.’

Ang ‘Starla’ na akala ng marami noong una ay may kinalaman sa Superserye noon ni Judy Ann na ‘Krystala,’ ay nagsisilbing pagbabalik ng Queen of Pinoy Soap Opera sa Primetime Bida after 6 years.

Base sa trailer, may feels ito ng mga nauna nang teleserye ng ABS-CBN na ‘May Bukas Pa,’ ‘100 Days to Heaven,’ ‘Honesto,’ at iba pa. Ilang mga viewers naman ang nakiusap na imove ang ‘Starla’ sa first slot sa primetime dahil nga pambata ito pero pagbibigyan kaya ng team ni Coco Martin?

Pero ngayong mas nagiging solido na ang viewers ng ‘The Gift,’ makuha kaya ng ‘Starla’ ang viewers na una nang sumubaybay sa ‘The General’s Daughter’ o magkaroon ng new viewing habit sa kabilang network?

Abangan natin ‘yan in few weeks kapag nagsimula na ang tapatan!

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pag-arangkada ng ‘Sandugo’ sa hapon, pinanood ng sambayanan

‘One Of The Baes’ ng RitKen, panalo sa pangalawang araw!