in

‘MYX Musiclass’ magsisimula sa Songwriting 101 kasama sina Paolo at Miguel ng Ben&Ben

May pagkakataon ang mga pangarap maging musician na matuto mula sa mga paborito nilang OPM artist sa “MYX Musiclass,” isang libreng series ng music coaching session na sisimulan ng first leg nito ngayong Sabado (Setyembre 26).

Kaabang-abang talaga ang event dahil ang magkapatid na sina Paolo at Miguel Guico ng bandang Ben&Ben ang magbibigay-inspirasyon at magbabahagi ng kaalaman nila sa Songwriting 101 sa mga gustong matuto pa sa musika.

Marami ang gustong makasali sa webinar kaya naman agad napuno ang 100 slots makalipas lang ang isang oras nang buksan ito para sa mga interesado.



Ang unang 100 na nakapag-register ay dadaaan sa kakaiba pero masayang pagkatuto sa musika online gamit ang Zoom mula sa dalawa sa nasa likod ng mga taos-pusong awitin ng Ben gaya ng “Maybe the Night,” “Pagtingin,” “Araw-Araw,” at “Lifetime.”

Sa susunod na dalawang buwan, nakatakda pang magdaos ng dalawang leg ng “MYX Musiclass” ang nangungunang music channel sa bansa, kung saan tututukan ang Music Production 101 sa ikalawang leg at ang Vocal Performance 101 sa ikatlong leg.

Ang “MYX Musiclass” is inihatid din ng Choco Mucho. Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Philippines a Facebook (https://www.facebook.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), at Instagram (@myxph).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Maureen Larrazabal, COVID-free na

Kapuso artists, pwede nang maka-chat sa Viber?