in

Moira dela Torre, naglabas ng comeback single ‘Kumpas’ na theme song ng ‘2G2BT’

Opisyal nang inilabas ni Moira dela Torre ang kanyang comeback single na pinamagatang “Kumpas” na nagsisilbi ring theme song ng bagong ABS-CBN Entertainment series na “2 Good 2 Be True.”

Opisyal nang inilabas ni Moira dela Torre ang kanyang comeback single na pinamagatang “Kumpas” na nagsisilbi ring theme song ng bagong ABS-CBN Entertainment series na “2 Good 2 Be True.”

Kumuha ng inspirasyon ng kanta hindi lang sa serye kungdi pati na rin sa real-life love story ng mga bida nitong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Hindi lang ito sa synopsis ng ‘2 Good To Be True’ nakabase but sa documentary ng KathNiel,” kwento ni Moira sa naganap na “2 Good 2 Be True” grand media conference kung saan una niyang pinerform ang kanta. “It was really made for KathNiel and ‘2 Good To Be True.’”

Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo naman ang nasa likod ng produksyon ng bagong awitin sa ilalim ng Star Music.

Inilalarawan ng “Kumpas” ang pinapahalagahang tao ng isang nagmamahal na itinuturing niyang kumpas o tagaligtas sa panahon ng mga bagyo at gabay tungo sa tamang daan.

Maririnig na ang kantang “Kumpas” ni Moira sa iba’t ibang digital streaming platforms. Abangan din ang nasabing theme song sa “2 Good 2 Be True” na mapapanood na sa Netflix simula Mayo 13, sa iWantTFC simula Mayo 14, at sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, at TV5 simula Mayo 16.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Cesca, naglakbay sa mundo ng pag-ibig sa kanyang debut EP