in

Mikee Quintos, bakit nakaramdam ng pressure sa mga dating show?

Masaya raw ang Kapuso actress na si Mikee Quintos noong ni-replay ang iba niyang shows sa GMA-7. Kahit limang taon pa lang siya sa showbiz, napakalaking blessing para sa kanya na naging parte siya ng ‘Onanay’ at ‘Encantadia’.

Pero dahil sa panonood niya ulit ng mga seryeng ito, may realizations umano siya sa pressure na naramdaman noon.

Kuwento ni Mikee tungkol sa career niya, “I realized I put so much pressure on myself because of all those things. I have to keep it up, if not sustain it. I have to level up as an artist with my talents and everything. ‘Yung lagi kong sinasabi na I have to be better because of this and that, lahat ‘yun akala ko binibigay sa akin ng managers ko, ng handlers ko, ‘yung team, and everyone else. ‘Yun pala hindi sila. I was taking it all in the wrong way. Ako lang pala ‘yung nagbibigay noong negative feeling na ‘yun sa sarili ko.” Napakalaking relief daw nang ma-realize niya ito.

Ngayon, mas motivated siyang mag-trabaho at gawin ang best niya sa susunod niyang projects,  “Ang sarap! Para ‘kong natanggalan ng bigat sa shoulders. Feeling ko din mas makakapag-deliver ako. Mas makakagawa ako ng magagandang projects ‘pag tinanggal ko ‘yun sa sarili ko. If I just started believing in myself again, which is something that I lost before.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Online auditions para sa ‘The Clash Season 3,’ extended!

Cherie Gil, magkakaroon ng online acting masterclass