in

Michael V., patuloy na nagpapagaling mula sa COVID-19

Sa exclusive interview ng 24 Oras, nagpasalamat si Michael V. sa lahat ng mga nagpaabot ng well wishes para sa mabilis niyang pag-recover mula sa COVID-19.

Naging malaking tulong din daw ang prayers para sa kanya, “Actually, mahirap talaga. Malungkot talaga and ‘di n’yo alam kung anong pagpapasaya ‘yung naidulot n’yo sa buhay ko. At saka ‘yung mga dasal n’yo, I think it’s very effective.”

Naka-isolate pa rin ang ‘Bubble Gang’ at ‘Pepito Manaloto’ host at patuloy na nagpapalakas ng kanyang immune system, “Hot lemon and ginger, ‘yun ‘yung iniinom ko. Basta kahit anong advice nga nu’ng mga kakilala namin, tina-try na namin. Wala namang mawawala. Madalas din akong naglalakad kasi mahirap din daw ‘yung kapag lagi kang nakahiga at palagi kang nakaupo. Basta be active pero hindi sobra to the point na papagurin mo ‘yung sarili mo.”

Unti-unti na rin daw bumubuti ang pakiramdam niya, “Mabilis pa rin akong mapagod although hindi naman ako nahihirapang huminga. ‘Yung pagod ang medyo mabilis. I am getting better. Hindi pa rin 100 percent pero we’re getting there.”

Get well soon, Bitoy!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes at Marian Rivera, kalikasan at kultura ang adbokasiya

Aiko Melendez, may pangako sa small business owners