in

Dingdong Dantes at Marian Rivera, kalikasan at kultura ang adbokasiya

Sinisiguro ng Kapuso stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ang kanilang mga proyektong ginagawa ay pasok at malapit sa kanilang prinsipyo at adbokasiya. Patunay na lang ang award-winning infotainment show ni Dingdong na Amazing Earth na layong magbigay kaalaman sa kalikasan at sa ating planetang ginagalawan. Saksi rin ang lahat sa husay na ipinamalas ni Marian nang gumanap ito sa makasaysayang drama na Amaya.

Sa ika-70 anibersaryo ng GMA-7, pinasalamatan ng dalawa ang Kapuso Network sa patuloy na paggawa ng mga programang nagpapahalaga sa kalikasan at kultura ng bansa. “Lahat tayo ay nakatira sa iisang mundo kaya dito sa GMA layon din nating bigyan ng pagpapahalaga ang ating kalikasan at ating kultura. Nang sa gayon ay magkaroon tayong lahat ng mas malalim na kamalayan at mahikayat ang lahat na pangalagaan ito,” ani ng Kapuso talents.

Samantala, mapapanood muli si Dingdong sa bagong episode ng Amazing Earth ngayong Linggo (July 26), 5:25PM, bago mag-24 Oras Weekend sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Willie Revillame, may mensahe para kay Michael V.

Michael V., patuloy na nagpapagaling mula sa COVID-19