in

Mel Tiangco, Mike Enriquez, at Vicky Morales magkasamang muli sa ’24 Oras’ simula ngayong Lunes

Good news para sa mga naka-miss sa trio nina Mel Tiangco, Mike Enriquez, at Vicky Morales dahil simula ngayong Lunes, June 1, magbabalik na sina Mel at Mike sa 24 Oras.

Hindi naman nahirapan si Vicky sa mga panahong wala sina Mel at Mike, dahil sina Jessica Soho at Atom Araullo ang pansamantala niyang nakasama sa primetime newscast ng GMA.

Sa pagbabalik ng triumvirate na Mel-Mike-Vicky, asahan na nga na patuloy ang 24 Oras sa pagbibigay ng balitang walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan. Serbisyong Totoo lamang.

Lalo pa ngayon na hindi lang pala sa TV tinututukan ang 24 Oras, dahil pati sa online ay ito pa rin ang nangungunang local newscast! Napapanuod ito online sa YouTube channel at Facebook page ng GMA News. Welcome back, Mel at Mike! Talaga naming na-miss namin kayo! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Here’s ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak’s opening statement at the second committee hearing in Congress

Dokyu ni Atom Araullo tungkol sa COVID-19, pinag-usapan!