in

Markus Paterson, Kyle Echarri, at Moophs, nagsama para sa R&B single na ‘Hotel Room’

Napapakinggan na ang R&B collaboration nina Markus Paterson, Kyle Echarri, at Moophs na pinamagatang “Hotel Room,” ang bagong kanta na puno ng malulungkot na emosyon ng taong iniwan ng minamahal.

Napapakinggan na ang R&B collaboration nina Markus Paterson, Kyle Echarri, at Moophs na pinamagatang “Hotel Room,” ang bagong kanta na puno ng malulungkot na emosyon ng taong iniwan ng minamahal.

Tampok sa “Hotel Room” ang soulful voice nina Markus at Kyle na nilapatan naman ni Moophs ng neo-soul vibe.


Bahagi ng original class of artists ng Tarsier Records simula 2017, nakapaglabas na si Markus ng maraming kanta sa ilalim ng label, kabilang ang kanyang “B-SIDE” EP, na higit sa 3 milyon na ang Spotify plays. Ipinakilala naman ni Kyle ang kanyang ikalawang album na “New Views,” noong nakaraang taon. Bukod kina Markus at Kyle, nakatrabaho rin kamakailan ni Moophs ang ilan pang OPM artists tulad nina Bugoy Drilon, Inigo Pascual, at Russell Reyes.

Pakinggan ang “Hotel Room” single nina Markus, Kyle, at Moophs na available na ngayon sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media accounts nito @tarsierrecords.