in

Markus Paterson at Moophs nagsamang muli para sa kantang ‘Real’

May bagong single ang actor-singer na si Markus Paterson at Tarsier Records label head na si Moophs na pinamagatang “Real.”

Pangalawang kolaborasyon na ito ng dalawa ngayong 2021, kasunod ng Father’s Day single nilang “Every Day,” na inalay nila sa mga una nilang anak—kay Jude na anak ni Markus sa girlfriend na si Janella Salvador at kay Odriana na anak ng mag-asawang Moophs at Alex.

Tungkol ang “Real” sa pagdedesisyong magcommit sa hinaharap kasama ang espesyal na tao habang inaalam kung gaano nga ba ka-genuine ang koneksyon nila sa isa’t isa.