in

Maine Mendoza, mas mahal ng ‘Eat Bulaga’ kesa kay Alden Richards?

May mga fans na nagsusumbong sa social media na kesyo ‘yung bagong trailer ng movie nina Carlo Aquino at Maine Mendoza ay ipinalabas agad sa ‘Eat Bulaga’ samantalang ‘yung kina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay ipinakita lang nung mismong showing na.

Sa October 16 pa ipapalabas sa mga sinehan ang ‘Isa Pa With Feelings’ na talaga namang nakitaan agad ng kilig kahit sa trailer pa lang.

Malayo pa ang October pero mahigit 50 block screenings na ang nakalaan sa movie mula sa mga fans ni Maine Mendoza. Talagang hindi papakabog ang mga fans ni Maine na nagpapakitang may force pa rin sila sa takilya.



Ganito kasi ‘yan, kumpara sa ‘Hello, Love, Goodbye’ na kahit paano ay sinuportahan naman ng ‘Eat Bulaga,’ ang ‘Isa Pa With Feelings’ ay movie under Black Sheep Productions at APT Entertainment na kasama sa umbrella ng TAPE Inc., ang producer din ng ‘Eat Bulaga.’ Samantalang ang ‘Hello, Love, Goodbye’ ay produced solely by ABS-CBN movie arm na Star Cinema at talagang nagpakita lang ng suporta ang noontime show na kabilang si Alden. ‘Yun ‘yon!

Kaya expect more promotions pa from ‘Eat Bulaga’ lalo na kapag malapit na ang movie.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Action-Drama Queen Angel Locsin, papalitan ng Queen of Pinoy Soap Opera Judy Ann Santos

‘The Panti Sisters,’ tuloy-tuloy pa rin sa mga sinehan