in

Lovi Poe, may payo sa kapwa runners ngayong may pandemic

Bukod sa pagiging mahusay na aktres, kilala rin ang Kapuso star na si Lovi Poe sa kaniyang healthy lifestyle kung kaya naman isa siya sa mga hinahangaan para sa maganda niyang pangangatawan.

Mahilig din kasing mag-workout si Lovi at namimiss na nga niya ang pagbisita sa gym dahil sarado pa rin ang mga ganitong establishments sa ngayon bunsod ng pandemic na COVID-19.

Sa pag-transition ng karamihan ng mga lugar sa bansa sa ‘General Community Quarantine,’ may payo ang ‘Owe My Love’ star sa mga nagpa-planong mag-jogging sa labas.

“I really miss my 4am runs just before heading to work when everyone’s still asleep. But for now, I’m just happy that I can do this and incorporate running to my fitness routine somehow. #LoviYourBody. “P.S. Just remember to practice social distancing & be extra mindful of proper hygiene when going for your walks or runs, okay?”

Habang hindi pa makabalik sa dati niyang mga routines, sa bahay muna nag-e-exercise si Lovi. Nakatakda rin niyang pagbidahan ang upcoming GMA show na ‘Owe My Love’ kasama si Benjamin Alves.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mark Herras, may 1 million TikTok followers na!

Julie Anne San Jose, wagi sa MPS Online Awards 2020