in

Mark Herras, may 1 million TikTok followers na!

Enjoy na enjoy ang mga fans sa bawat upload ng tinaguriang ‘Bad Boy of the Dancefloor’ na si Mark Herras sa social media platform na TikTok!

Hindi nawawala sa mga trending videos ang kaniyang mga covers ng iba’t ibang hit na sayaw!

Sa ngayon, pumalo na ng higit one million ang kaniyang followers dito! Pinasalamatan naman niya ang mga taga-hanga sa isang post sa Instagram at idinedicate pa niya ang achievement na ito sa girlfriend at kapwa Kapuso artist na si Nicole Donesa.

Aniya, “Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!!! Sooolid!!! @nicole_donesa I love you!” 

Paniguradong hindi lang ang mga fans ni Mark ang proud na proud para sa kaniya kundi pati na rin si Nicole! 

Kamakailan lang, naging viral ang pinasikat niyang dance craze noon na ‘Average Joe’ sa social media kung saan pinatunayan niyang wala pa ring kupas ang kaniyang galing!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘T.G.I.S.’ Batch 3, makikipagkulitan sa ‘Just In’

Lovi Poe, may payo sa kapwa runners ngayong may pandemic