in

LOOK: Dennis Trillo, nag-fan boy sa batikang direktor na si Bong Joon-ho!

Sulit ang naging pagdalo ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa 2021 Venice Film Festival dahil bukod sa nakahalubilo niya ang iba’t ibang mga direktor at Hollywood stars ay nakilala rin niya ang sikat na direktor na si Bong Joon-ho.

Kamakailan ay nagtungo ang Legal Wives actor sa Italy para sa premiere ng pinagbibidahan niyang pelikula na ‘On the Job: The Missing 8.’

Bukod sa dream come true ang nominasyon ng kanilang pelikula ay nakilala rin niya sa event ang idolo at direktor ng South Korean movie na Parasite na si Bong Joon-ho.