in

LOOK: Dennis Trillo, nag-fan boy sa batikang direktor na si Bong Joon-ho!

Sulit ang naging pagdalo ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa 2021 Venice Film Festival dahil bukod sa nakahalubilo niya ang iba’t ibang mga direktor at Hollywood stars ay nakilala rin niya ang sikat na direktor na si Bong Joon-ho.

Kamakailan ay nagtungo ang Legal Wives actor sa Italy para sa premiere ng pinagbibidahan niyang pelikula na ‘On the Job: The Missing 8.’

Bukod sa dream come true ang nominasyon ng kanilang pelikula ay nakilala rin niya sa event ang idolo at direktor ng South Korean movie na Parasite na si Bong Joon-ho.

Sa kanyang Instagram post ay hindi naitago ni Dennis ang pagfa-fanboy sa direktor at ibinida pa ang signed copy ng Parasite book niya, “Labyu tito Bong! Thank you for signing my book.”’

Samantala, tutukan ang mas tumitinding mga eksena sa primetime series na “Legal Wives,” tuwing gabi, sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Matt Lozano, may hugot sa debut single na ‘Walang Pipigil’

‘Legends of Dawn: The Sacred Stone’ ng Mobile Legends, mapapanood sa Kapamilya Channel at A2Z