in

‘Limitless, A Musical Trilogy’ trending na agad sa Twitter!

Excited na talaga ang fans ni Julie Anne San Jose para sa first part ng kanyang “Limitless, A Musical Trilogy” na mapapanood online ngayong Friday, September 17.

Gumawa pa nga ng countdown ang fans gamit ang hashtags na #LimitlessJAPSInSixDays and LimitlessJAPSInFiveDays para sa papalapit na onine show. Dalawang araw nang trending ang Limitless sa Twitter Philippines, ha!

Kahit si Julie ay hindi na ma-contain ang kanyang excitement. Pati ang Asia’s Limitless Star, join din sa countdown via her social media accounts. Sa Instagram, may caption na “anim na tulog na lang, #LimitlessMusicalTrilogy na” at “5 days… #LimitlessMusicalTrilogy” ang kanyang mga post.