in

Kris Bernal, magkano ang kinikita sa pagba-vlogging?

Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine ng gobyerno, ilan sa mga pampalipas-oras ng mga netizens ngayon ay ang panonood ng vlogs ng mga sikat na vloggers maging celebrities.

Isa si Kapuso actress Kris Bernal sa mga celebrities na may growing YouTube channel with over 200k subscribers. Sa kanyang recent vlog, ibinida ni Kris ang kanyang Silver Play Button na natanggap niya mula mismo sa YouTube bilang pagkilala sa channel nito na lumagpas na ng 100k subscribers.

At dahil matunog ngayon ang paggamit ng social media bilang source of income, ibinahagi ni Kris ang kanyang unang sweldo sa YouTube na umabot daw ng $400 o ‎₱20,000.

“So ‘yung first income ko, dinonate ko siya sa iba’t ibang animal welfare organizations kasi mahilig nga ako sa aso and may alagang akong pusa,” ani ni Kris na nagpasalamat sa mga subscribers nito sa hindi nila pag-skip ng ads.

Bukod sa pagtulong sa mga animals, tinutulungan din ni Kris ang mga freelancer sa pamamagitan ng pagpapa-edit ng kanyang mga vlogs.

“To video editors out there who want to work with me, feel free to send me an email with your sample works attached. Glad to be of help to freelancers during this challenging time,” dagdag pa ng Kapuso actress.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Project RICE UP ng mga Kapuso artists, inuulan ng suporta

Ashley Ortega, ginawang gown ang unan!