in

Ashley Ortega, ginawang gown ang unan!

Bukod sa pagtitimpla ng Dalgona coffee, may nauuso ngayong bagong challenge online na mistulang sinimulan ni Kapuso star Ashley Ortega kung saan ginawa nitong damit ang unan at nagmukhang pang-high fashion ang dating.

Sa Instagram account ni Ashley, kinaaliwan at pinuri ng netizens ang cute at stylish outfit nito gamit lamang ang unan, belt, at high heels. “I woke up like this,” biro pa ng dalaga.

Magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa, kani-kaniyang paraan ang lahat ng pagpapalipas-oras sa bahay. Isa sa sumikat sa mga netizens maging celebrities ay ang Courtina Couture challenge kung saan tina-transform ang kurtina bilang gown.

Ilan sa mga artistang sumali sa challenge ay sina Bubble Gang star Ashley Rivera at All-Out Sundays star Kakai Bautista. Samantala, busy din si Ashley sa pamamahagi ng ready-to-eat meals para sa mga walang tirahan at lubos na apektado ng krisis na dulot ng COVID-19.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kris Bernal, magkano ang kinikita sa pagba-vlogging?

Ina Feleo, daily yoga ang panlaban sa anxiety at stress