in ,

Kabogerang side ni Maymay Entrata ibabandera sa ‘MPowered’ concert

Isang kabogerang Maymay Entrata ang dapat abangan sa una niyang virtual concert na “Mpowered,” kung saan bibida siya sa bonggang performances na may mensahe ng empowerment at self-love at mapapanood na ngayong November 26 (Biyernes) sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.

“Isa sa mga pinakanagustuhan ko talaga sa concert ay ibang iba ‘yung atake, kabogera ‘yung every performance ko doon,” ani Maymay, na sinabi ring hindi lang pagpapakita ng confidence ang layunin ng concert kundi ipagdiwang din ang kahalagan ng pagpili na maging masaya.

Paliwanag niya, “All in all, ang gusto ko lang naman maiparating ay maging empowered at mas maging masaya sila. Kasi gusto ko ‘yung araw ng concert maging isang selebrasyon kumbaga na choice natin na maging masaya.”


Kwento ni Maymay, noong una ay nag-alangan siya kung handa na ba siyang kantahin ang “Amakabogera” nang live, pero masaya raw siya sa naging resulta ng performance niya at sa tagumpay ng kanta. “Masaya na ako na nagugustuhan nila ‘yung tono, ‘yung kanta pero ‘yung naiintindihan nila ‘yung lyrics, kung ano ‘yung mensahe ng kanta na ipinapahiwatig sa listeners, dun ako mas natutuwa.”

Mabibili pa rin ang regular tickets para sa “Mpowered” concert sa halagang P299 para sa main concert access, habang P899 at P1399 naman ang VIP at SVIP tickets na may kasamang special Zoom after party admission kasama si Maymay at hosts na sina DJ Jhai Ho at Edward Barber.

Palakasin ang iyong sarili kasama si Maymay at panoorin ang “Mpowered” digital concert ngayong November 26 (Biyernes), 8:30 PM (PHT), na may re-run 10 AM (PHT) kinabukasan (November 27) sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV, at pakinggan ang “Amakabogera” sa iba’t ibang digital music platforms.