in

Jessica Villarubin, pinuri ng isang Hollywood vocal coach

Bongga ang Kapuso Power Diva na si Jessica Villarubin dahil nakuha niya ang atensyon ng Hollywood vocal coach na si Lee Lontoc ng American boutique media company ‘VisionQuest Sound’ dahil sa kaniyang bagong single na ‘Beautiful’.

Kabilang sa mga nakatrabaho na ni Lee ang mga sikat na international artists na sina Melanie Brown ng Spice Girls at Saoirse Ronan.

Pagpuri niya kay Jessica, “Vocals and production are spot on and I love her energy! Jessica’s voice embodies beauty, grace, power and style. Put these qualities against a catchy song like “Beautiful” and you’ve got a winner! This song could be a hot number this summer with the right push.”

Ini-release ng The Clash Season 3 grand winner ang kantang ito noong nakaraang buwan under GMA Music at napapakinggan na sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital streaming platforms. Mapapanood na rin ang official music video ng ‘Beautiful’ sa YouTube channel ng GMA Music.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Community Pantry Volunteers, panalo ng kalahating milyon sa ‘Everybody, Sing!’ ni Vice Ganda

Jennica Garcia, blooming sa taping ng ‘Las Hermanas’