in

Jeremy Glinoga, umaasang may magbabalik sa kantang ‘Someday’

Tila may matinding pananabik para sa minamahal ang versatile musical charmer na si Jeremy G ngayong Bagong Taon na nilalaman ng kanyang bagong kantang “someday.”

Ito rin ang unang komposisyon ng “The Voice Teens Philippines” season 1 finalist mula sa team ni Coach Sharon Cuneta na kumuha ng inspirasyon sa pagkamiss niya sa mga taong malalapit sa puso niya.

Ani Jeremy, “Sinulat ko ang ‘someday’ sa panahon na malayo sa akin ang mga pinamakamalapit na tao sa buhay ko. Dahil sa pandemya, hindi natin nakakapiling ang mga mahal natin sa buhay.”


Pakinggan ang pinakabagong hugot song ni Jeremy na “someday” na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).