in

Jane de Leon, pinalayas si Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Tinuldukan na ni Lia (Jane De Leon) ang pagiging magkakampi nila ni Cardo (Coco Martin) matapos niya itong palayasin at ang buong Task Force Agila mula sa pamamahay niya ngayong linggo sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Lubos na nasaktan si Lia sa ginawang pagtatraydor ni Cardo nang lusubin nito ang headquarters ng mga kasamahan niya sa Black Ops, taliwas sa napagkasunduan nilang dalawa. Dahil sa ginawa ni Cardo, nasa kritikal na kondisyon ang dating kasintahan ni Lia na si Albert (Geoff Eigenmann).

Maging ang mga kasama ni Cardo sa Task Force Agila, lalong lalo na si Diana (Angel Aquino), ay nagalit sa ginawa niya dahil inilagay niya sa kapahamakan ang kanilang buong grupo.


Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abscbnpr.com.