in

Belle Mariano, pag-aagawan nina Donny Pangilinan at Jeremiah Lisbo sa ‘He’s into Her’

Dalawang lalaki ang mag-aagawan sa puso ni Max (Belle Mariano) ngayong nagbalik sa buhay niya ang ex-boyfriend na si RJ (Jeremiah Lisbo) habang nililigawan siya ni Deib (Donny Pangilinan) sa huling dalawang episodes ng “He’s Into Her” sa iWantTFC.

Todo na ang pagporma ni Deib kay Max para makuha ang matamis na “oo” nito. Ngunit maaaring manganib ang namumuo nilang pagititinginan sa pagdating ni RJ, na siya ring kilalang karibal ni Deib sa basketball.

Pagkatapos i-”ghost” si Max noon, nagpakitang muli si RJ para humingi ng tawad at ayusin ang pagkakaibigan nila. Kahit si RJ ang dahilan kung bakit siya naging broken-hearted, pinatawad din ni Max ang dating kasintahan pagkatapos malaman ang hirap na pinagdaanan nito nang mag-isa sa ibang bansa.

Wala namang kaalam-alam si Deib na nagkita ulit ang dalawa at nagkaayos na. Pero hindi lang si RJ ang banta sa pag-ibig nina Max at Deib dahil maging ang ex-girlfriend ni Deib na si Kimeniah (Dalia Verde) ay nagbalik din para sirain ang namumuo nilang relasyon.

Ano ang magiging reaksyon ni Deib kapag nalaman niyang bumalik si RJ sa buhay ni Max?

Panoorin ang huling dalawang episodes ng “He’s Into Her” kada Biyernes ng 8:30 PM sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Napapanood din ang serye tuwing Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page.

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected]

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jane de Leon, pinalayas si Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Kumu streamer na si J Scott, may debut single na!