in

‘It’s Showtime,’ iba pang ABS-CBN shows magbabalik na sa free TV, mapapanood A2Z Channel 11

  • Ang Zoe TV ay ang bagong partner ng ABS-CBN

“Better Days are coming,” ito ang binitawang salita ng ‘It’s Showtime’ host na si Vice Ganda kamakailan lang. Isa na pala itong hint sa napipintong pagbabalik sa ere ng ibang mga ABS-CBN shows kasama na nga ang ‘It’s Showtime’ sa Zoe Channel na available sa free TV.

Wala pang masyadong detalye sa magiging programming ng rebranded na A2Z Channel 11, pero sure na ang ‘It’s Showtime’ na mapapanood simula sa Sabado, October 10, at balita rin na sure ay ang musical-variety show na ‘ASAP Natin ‘To’ tuwing Linggo.

Ang pagbabalik sa free TV ng ilang ABS-CBN shows ay ikinagulat lalong-lalo na ng mga Kapamilya fans pero sure na naman na happy sila. Nagkataon lang na ang ibang mga bigating Kapamilya stars ay may sari-sarili nang shows sa TV5.

Ang ‘Lunch Out Loud’ na magsisimula na sa October 19 ay makakatapat ng ‘It’s Showtime’ at ‘Eat Bulaga’ naman sa GMA Network. Ilan pa naman sa hosts ng show tulad nina Billy Crawford, K Brosas at nagtagal din sa ‘It’s Showtime.’ Kasama pa nila sa show na ito under Brightlight Productions ay sina Alex Gonzaga, Wacky Kiray, Bayani Agbayani at KC Montero na dating Kapamilya stars.

Hindi lamang sina Billy at K dahil si Johnny Manahan na dating head ng Star Magic at direktor rin ng ‘ASAP’ ang magdidirect ng ‘Lunch Out Loud.’ Akalain mo ‘yun?

Mukhang lalo pang naging exciting ang noontime ng mga Pinoy!

Ang Zoe TV ay pag-aari ng Jesus Is Lord Church na pinamumunuan ni Bro. Eddie Villanueva.

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Fans, excited nang mapanood ulit ang ‘Descendants of the Sun PH’

‘I Can See You: The Promise,’ trending ang first episode!