in

‘He’s Into Her,’ trending ng tatlong araw, katapangan ni Belle Mariano, ‘di matanggap ni Donny Pangilinan

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng pinakitang tapang ni Maxpein (Belle Mariano) sa pagharap kay Deib (Donny Pangilinan) dahil nagsimula na siyang guluhin nito sa Benison International School sa bagong Star Cinema series na patuoy ang trending sa social media, ang “He’s Into Her.”

Napahiya si Deib nang hamunin ito ni Maxpein sa harap ng maraming tao kaya’t nakipagsabwatan ito sa mga kaibigan, kasama sina Tobi (Rhys Eugenio), Lee (Joao Constancia), at ang mean girls, pati na ang stepsister ni Max na si Elle (Melissa Jimenez) para i-bully ito at tuluyan nang mapaalis sa Benison. Matapos magplano, sinimulan na ng grupo ang “Project Blocked” at sunod-sunod ang ginawang prank kay Max.

Galit man si Belle sa ginawang panghihiya sa kanya, hindi ito nagpatalo. Pero hindi na ito nagpigil nang umorder ang grupo ni Deib sa “The Barb,” kung saan si Belle may part-time na trabaho, at bigyan siya ng fake address.


“If you are still doubting Belle Mariano’s capabilities in portraying the role of Maxpein, panoorin mo ulit. I once doubted her pero seeing her act grabe speechless as in,” tweet ni @ariezasoto.

Sabi naman ni @donbellephilia_, ” Such a roller coaster ride for this episode! Di siya yung intense lang talaga, you get to feel emotions other than kilig and inis. Kudos to HIH team again.”

Mapapanood ang “He’s Into Her” sa iWantTFC tuwing Biyernes, at sa Kapamilya Channel, A2Z, TFC at sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment tuwing Linggo.