in

Manilyn Reynes at Kitkat, masusubok ang friendship sa ‘Dear Uge’

Tunghayan sina Manilyn Reynes at Kitkat sa nakakaaliw na kuwento ng best friends-turned-rivals sa fresh episode ng award-winning comedy anthology na ‘Dear Uge’ ngayong Linggo, June 13. 

Miyembro ng ’80s “It Girls” trio na Bagirls sina Pipay (Manilyn) at Shonda (Kitkat). At muli silang magtatagpo sa burol ng kanilang ikatlong miyembro. Malayong-malayo sa kanilang image noon, isa nang simpleng maybahay si Pipay habang naadik naman sa pagpaparetoke si Shonda.

Ang dating mag-best friends ay magiging magkaribal nang mabalitaan nilang ipinagkaloob ng kanilang yumaong kamiyembro ang lahat ng kanyang yaman sa pinakakarapat-dapat na Bagirl. 

Magpapagalingan sa iba’t ibang challenges sina Pipay at Shonda at maraming mauungkat tungkol sa kanilang nakaraan. 

Pero, paano ang mangyayari kung bigla silang damputin at malagay ang kanilang buhay sa alanganin? Dito na ba nila tatalikuran ang isa’t isa para iligtas ang sarili nila?

Paniguradong bubuhos na naman ang katatawanan at masayang kuwentuhan sa fresh episode ng Dear Uge ngayong Linggo, pagkatapos ng GMA Blockbusters.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘He’s Into Her,’ trending ng tatlong araw, katapangan ni Belle Mariano, ‘di matanggap ni Donny Pangilinan

P1 Milyon pwedeng mapanalunan sa ‘Game KNB?’ simula June 25