in

Handa na ba si Vice Ganda? “The Boobay And Tekla Show” aarangkada na!

Talagang pinaghandaan ng GMA Network ang itatapat sa show ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice” na magwa-walong taon na sa ere at talaga namang hindi matibag-tibag.

Bago pa man sumalang sa ere ang itatapat sa “Gandang Gabi Vice,” ilang buwan munang hinasa sa online show sina Boobay at Tekla na masasabi naman nating malaki ang naging improvement since nung nagsimula sila.

At ngayon na mataas na ang hits nila online, heto na’t ibinabala na sila ng GMA Network ngayon, deretsahan na against sa show ni Vice Ganda.