in

Erich Gonzales at Sofia Andres, nagsabunutan sa pool dahil kay Kit Thompson sa ‘La Vida Lena’

Parang mga manok na pinagsabong sina Lena (Erich Gonzales) at Rachel (Sofia Andres) habang nagsasabunutan dahil sa matinding selosan sa “La Vida Lena,” na napanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Naubusan na ng pasensya si Rachel at sinugod si Lena nang mahuli niya itong naka-bikini at niyayakap ang asawang si Miguel (Kit Thompson) sa pool ng kanilang tinitirhang building. Dahil sa galit, nakipaghiwalay na rin si Rachel kay Miguel at tuluyan nang nag-alsa balutan paalis ng kanilang bahay.

Habang kumbinsido si Rachel na may namamagitan nga sa dalawa, nawalan na ng pakialam si Miguel sa asawa dahil bukod sa hindi totoo ang ibinibintang nito, napapagod na rin siya sa paulit-ulit nilang pag-aaway dahil kay Lena. Wala namang kaalam-alam si Rachel na sinadya ni Lena ang nasaksihan niyang eksena sa pool.


Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.