in

Erich Gonzales at Sofia Andres, nagsabunutan sa pool dahil kay Kit Thompson sa ‘La Vida Lena’

Parang mga manok na pinagsabong sina Lena (Erich Gonzales) at Rachel (Sofia Andres) habang nagsasabunutan dahil sa matinding selosan sa “La Vida Lena,” na napanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Naubusan na ng pasensya si Rachel at sinugod si Lena nang mahuli niya itong naka-bikini at niyayakap ang asawang si Miguel (Kit Thompson) sa pool ng kanilang tinitirhang building. Dahil sa galit, nakipaghiwalay na rin si Rachel kay Miguel at tuluyan nang nag-alsa balutan paalis ng kanilang bahay.

Habang kumbinsido si Rachel na may namamagitan nga sa dalawa, nawalan na ng pakialam si Miguel sa asawa dahil bukod sa hindi totoo ang ibinibintang nito, napapagod na rin siya sa paulit-ulit nilang pag-aaway dahil kay Lena. Wala namang kaalam-alam si Rachel na sinadya ni Lena ang nasaksihan niyang eksena sa pool.

Tuloy-tuloy rin ang paninindak ni Lena kay Vanessa (Agot Isidro) at nagbantang ibubulgar ang kabit nito kapag hindi ito tumigil sa paninira sa kanyang kumpanya. Abala rin si Lena sa pagkuha ng DNA test na magpapatunay na si Conrad (Christian Vasquez) ang tunay na ama ni Adrian (JC De Vera) para mahibang sa galit ang asawa ni Vanessa na si Lukas (Raymond Bagatsing).

Kung nagkakawatak-watak na ang mga kaaway ni Lena, mukhang magkakalamat na rin ang pagkakaibigan niya kay Jordan (Carlo Aquino). Nagalit kasi ito dahil sa walang kaabog-abog na panlalandi ni Lena kay Miguel. Tuluyan na bang tatalikuran ni Lena ang pagkakaibigan nila ni Jordan sa ngalan ng paghihiganti?

Subaybayan ang paniningil ni Lena ng karma sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10:05 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong Celebrity Housemates ni Kuya, ipapakilala na simula Oktubre 6

Music videos ni Jayda Avanzado pasok sa International Film Festival Manhattan 2021