in

Dingdong Dantes, palaging pinapakilig si Marian Rivera!

Agree ang netizens at fans na tila match made in heaven sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa mga post ni Dingdong sa kanyang Instagram account, makikita ang kulitan moments ng mag-asawa habang nasa GMA Pinoy TV 16th Anniversary FunCon na ginanap nitong August 25.

Ikinuwento rito ng Kapuso couple kung paano nila napapanatiling matibay at malalim ang pagmamahalan nila.

Ayon kay Marian, “Malaking factor na sinasama namin ang Panginoon sa gitna namin at ‘yun ang nagpapatibay talaga sa relasyon namin at sa mga anak namin. Hindi nawawala ‘yung kilig kasi ewan ko. Marami kasing gimik din ‘to e. Parati akong pinapakilig e. So ako naman sa iba ko naman siya pinakikilig, sa ibang way. Magkaiba kaming dalawa.”

“Mas na-i-inspire ako maging mabuting tao dahil sa kanya. Kumbaga, sinusuportahan niya lahat ng gusto ko. Kunwari may gusto akong makamit o marating, nandiyan siya talaga 100 percent to support me at ganon din ako para sa kanya,” ayon naman kay Dingdong.

Ang bongga talaga ng anniversary celebration ng GMA Pinoy TV para sa lahat ng mga Kapuso abroad. Happy 16th Anniversary, GMA Pinoy TV!

Samantala, kasalukuyang napapanood sina Dingdong at Marian sa replay ng pinagbidahang Philippine adaptation ng South Korean drama series na ‘Endless Love’ sa GMA Telebabad at sa GMA Pinoy TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Catch Me Out Philippines,’ exciting ang huling dalawang linggo!

Gigi de Lana magkaka-album at sariling concert, makakasama rin sa 1MX live sa Dubai