in

Concert nina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, at Xian Lim sa Dubai, dinumog ng mga Pinoy!

Maraming humanga sa world-class na performances ng Kapuso stars na sinamahan pa ng Pinoy performing groups na naroon din sa Dubai.

Matagumpay ang pagbabalik sa live concert events abroad ng GMA Pinoy TV nitong nagdaang March 30 dahil libo-libong mga Pilipino ang dumalo para mapanood ang “Stronger Together: GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai.”

Sa pagtatapos ng pinakamalaking expo sa mundo, save the best for last talaga ang concert na pinangunahan ng Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, at Xian Lim dahil jam-packed ang Dubai Millennium Ampitheatre.

Maraming humanga sa world-class na performances ng Kapuso stars na sinamahan pa ng Pinoy performing groups na naroon din sa Dubai.

Talaga nga namang Stronger Together ang mga Kapuso abroad kasama ang GMA Pinoy TV kaya looking forward kami sa mga susunod pang events nito sa ibang bansa! Congratulations sa successful concert, mga Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Martin Nievera, live ma live magbabalik sa ‘ASAP Natin ‘To’ stage ngayong Linggo

Ato Arman may mensahe ng pagtutulungan sa bagong kanta