in

Charlie Dizon at Jameson Blake, malakas magpakilig sa ‘My Sunset Girl’ sa iWantTFC

Damang dama ng mga manonood ang malakas na chemistry nina Charlie Dizon at Jameson Blake sa pinagbibidahan nilang kwento ng bawal na pag-ibig sa “My Sunset Girl,” isang original series na kasalukuyang napapanood nang libre sa iWantTFC.

Grabe kasi ang kilig ng mga nakatutok sa unang episode nito, kung saan nagkita at nag-aminan ng nararamdaman sa personal sina Ciara (Charlie) at Lucas (Jameson) pagkatapos ng isang taong pagiging magkaibigan online.

Gabi lang pwede at palihim pa kung magkita ang dalawa dahil si Ciara ay may xeroderma pigmentosum, isang sakit na maaaring pumatay sa kanya kung matagal siyang nagpaaraw. Dahil pangarap ni Ciara na tratuhin nang normal ng iba, inililihim niya ito mula kay Lucas.


Para naman kay @BGYOXBELLE, “Done watching first episode…yeah maganda siya. What I like with the series eh daming mga katanungan sa umpisa at unpredictable siya.”

“Yes kakatapos ko lang nung ep 1 and ang ganda nga ng storyline for me kahit ep 1 palang tas ang ganda ng chemistry nila,” sambit ni @Teddy91070751.

Mula sa pagiging inosente, mababahiran ng pagdududa si Ciara tungkol sa totoong kalagayan niya dahil sa isang date nila ni Lucas, matagal siyang naarawan nang hindi nagkakasakit. Sa susunod na episode, magpapatingin si Ciara sa ibang doktor para kunin ang opinyon nito nang hindi nalalaman ng istrikto niyang ina (Mylene Dizon).

Ano nga kaya ang katotohanan sa kondisyon ni Ciara?

May bagong episode ang “My Sunset Girl” kada Miyerkules, 8 PM sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Libre itong napapanood sa Pilipinas, habang available naman ito sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected]