in

Therese Malvar, may loverboy na duwende?

Cute ang pairing na mapapanood ngayong Sabado sa “My Fantastic Pag-ibig” dahil ang young Kapuso stars na sina Therese Malvar at Elijah Canlas ang bibida sa tampok na kuwento.

Dahil sa pagpanaw ng ama ni Wendy (Therese), kinailangan niyang umuwi ng probinsya para tulungan ang kanyang Ate Emily (Mel Kimura) sa kanilang bakery. Pero sa pagbalik ng dalaga sa kanilang tahanan, hindi lang ang natatagong baking skills niya ang lalabas pati na rin ang secret admirer. Pero hindi siya basta-bastang nilalang dahil ang secret admirer ni Wendy, isa palang duwende!

Ngayong nagbabalik na kanilang lugar si Wendy, masabi na kaya ng duwendeng si Dwayne (Elijah) ang matagal na niyang pagtingin sa dalaga?

Abangan ang kanilang love story sa “My Fantastic Pag-ibig: The Lucky One” ngayong Sabado ng gabi, July 17, sa bago nitong timeslot, 7:15 PM pagkatapos ng Flex sa GTV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jay Arcilla, aminadong naging pilyo noong bata pa

Charlie Dizon at Jameson Blake, malakas magpakilig sa ‘My Sunset Girl’ sa iWantTFC