in

Chariz Solomon, certified foodie

Sa online show ng ‘Descendants of the Sun PH’ na ‘DOTS How You Do It,’ nagpakitang-gilas ang aktres na si Chariz Solomon sa kusina at ibinahagi sa viewers ang kaniyang chicken salad wrap recipe.

Certified foodie raw talaga si Chariz at mahilig siyang mag-try ng iba’t ibang klase ng pagkain at mag-experiment sa kitchen. Itinuro rin niya kung paano gawin ang homemade ranch dressing gamit ang mga ingredients na madaling hanapin sa grocery stores para raw hindi mahirapan ang mga gustong sumubok nito.

May mga dagdag pang techniques at tips na ipinakita si Chariz sa pagbabalot ng pita bread na natutunan niya sa isang food business seminar. Co-owner kasi ang aktres ng pocket wrap business na ‘Tikka Tikka’ kasama ang kapatid na lalaki. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit skilled siya sa pagluluto.



Bukod sa pagma-manage ng business niyang #FusionByCharizSolomon, abala rin si Chariz sa paghahatid ng saya sa kanyang fans sa Bubble Gang at YouTube channel na YouLOL ng GMA Network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Jennylyn Mercado, aliw sa Twitter community!

Sequel ng ‘2gether,’ sabay na mapapanood sa iWant sa PH at sa Thailand