in

BGYO, pangungunahan ang ‘Best Time’ sa ‘He’s Into Her’ Season 2

Sagot ulit ng P-pop boy group na BGYO ang theme song

Sagot ulit ng P-pop boy group na BGYO ang theme song ng “He’s Into Her” season 2 na “Best Time” na swak sa kwento ng hit show.

Kumakatawan ang “Best Time” sa panandaliang oras ng kabataan, kagandahan, at pag-ibig na maririnig sa kantang isinulat nina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Gabriel Tagadtad.


Sa reimagined version ng kanta, maririnig ang lyrics na ipinapakita ang pananaw ng dalawang tao na dumaan sa hiwalayan. Saktong-sakto ito sa mga pagdadaang problema nina Deib (Donny Pangilinan) at Max (Belle Mariano) sa kanilang relasyon base sa trailer ng palabas.

Dapat ding abangan ng ‘bearkada’ ang mga kanta mula sa Nameless Kids, Trisha Denise, at iba pa sa “He’s Into Her” season 2 official soundtrack.

Damhin ang saya at sakit ng iyong kabataan at pakinggan ang “Best Time” ng BGYO at ang iba pang mga kanta na kasama sa OST ng “He’s Into Her” season 2 sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).