in

Bagong single ni Yeng Constantino na ‘Kumapit,’ maghahatid ng lakas at pag-asa

Nagbabalik si Yeng Constantino para maghatid ng inspirasyon gamit ang musika sa bago niyang single na “Kumapit,” tungkol sa halaga ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok na mapapakinggan simula sa Biyernes (June 11).

Isang piano ballad ang kanta kung saan tampok ang emosyonal na pag-awit ng Kapamilya singer at ang lyrics na nagpapaalalang kahit hindi man nakikita ng mga tao ang Diyos ay palagi Siyang handa na magbigay ng pagmamahal at pagtanggap sa lahat.

“Sana habang pinapakinggan nyo ‘to mabigyan kayo nito ng pag-asa, lakas ng loob and kalakasan. Laging nandyan ang Diyos para sa’tin! Kumapit lang tayo sa Kanya,” ani Yeng.