in

Bagong kanta ng BGYO na ‘Kulay,’ umani ng halos 1 milyong views sa YouTube

Tuloy-tuloy ang pagpapasaya ng P-Pop group BGYO sa kanilang fans sa bagong awitin nila na “Kulay” na mapapakinggan sa mga major streaming site simula Biyernes (Okt. 1). Pagbibigay-pugay ito ng grupo sa mga taong bumago sa kanilang buhay.

Umabot na sa halos isang milyong views ang “Kulay” na pinakabagong kanta ng sikat na P-pop group BGYO, matapos gamitin ng Miss Universe Philippines pageant ang awitin nila para sa national costume competition nito sa Empire Philippines YouTube channel.

Patok na patok pa rin ang nauna nilang awitin na “The Baddest” na lagpas isang milyong beses na pinakinggan sa Spotify mula noong nilabas ito noong Agosto.


Para sa karagdagang updates tungkol sa BGYO, sundan ang BGYO_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa official YouTube channels nilang BGYO Official.