in

‘All-Out Sundays,’ star-studded ang episode ngayong Linggo!

Asahan ang engrandeng worldwide celebration ngayong weekend dahil makikisaya ang ilan sa bigating Kapuso stars para ipagdiwang ang 15th anniversary ng GMA Pinoy TV sa paboritong Sunday tambayan na All-Out Sundays: The Stay Home Party! 

Kahit hindi pa pinapayagan ang international travels bunsod ng lockdown, dadalhin kayo ng AyOS barkada sa iba’t ibang panig ng mundo. Tiyak na matutuwa ang Kapuso abroad dahil makikisaya sa Stay Home Party sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, at Aiai delas Alas. 

Hindi rin dapat palampasin ang mga ipamimigay na papremyo na pangungunahan ni Alden Richards bilang pasasalamat sa kanilang masugid na tagasubaybay. May world-class performances din mula kina Arnel Pineda, Aicelle Santos at Lani Misalucha.

Ilan pa sa Kapuso stars na mapapanood ngayong Linggo ay sina: Julie Anne San Jose, Paolo Contis, Ken Chan, Rita Daniela, Boobay, Rayver Cruz, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Jak Roberto, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Vince Crisostomo, Golden Canedo, Thea Astley, Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, at special guest na si Kisses Delavin. 

Abangan ang star-studded worldwide celebration ng GMA Pinoy TV ngayong Linggo (August 9) sa ‘All-Out Sundays: The Stay Home Party,’ 12:45PM, sa GMA-7 at GMA Network official social media accounts. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘AHA!’ at ‘Born to be Wild,’ may back-to-back new episodes

Glaiza de Casto, aliw na aliw sa parody video ng ‘Encantadia’