in

Alden Richards, wish na makilala ang kanyang special someone ngayong taon

Inamin ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards na isa sa mga gusto niyang ma-achieve ngayong 2021 ay ang makilala ang kanyang special someone.

Ito ang ibinahagi ni Alden sa kanyang guesting nitong Sabado sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’ kung saan sumabak sila ni Cassy Legaspi sa isang masayang kuwentuhan at titigan challenge.

“Build my own house, do an international project, at saka find that someone,” saad ni Alden.

Samantala, ipinaliwanag din ni Alden kung bakit gaming ang kanyang paboritong ‘me time’ activity.

Aniya, “‘Yun ‘yung pinaka-sanctuary ko, when I play games after work. Parang ‘yun ‘yung nagde-detach sa akin sa showbiz world.”

Speaking of gaming, mahilig din sa games at technology ang gagampanang role ni Alden sa much-awaited GMA series na ‘The World Between Us’ kung saan makakasama niya sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.

Taliwas sa kaniyang ‘good boy’ roles before, kakaibang Alden daw ang mapapanood sa serye. “‘Yung role ko dito, si Louie, hardworking student, matalino, masipag sa buhay, kaya lang may unfortunate events na nangyari sa kanya na nag-push pa sa kanya even further to his limits,” kuwento ni Alden.

Abangan ang ‘The World Between Us’ simula July 5 na sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jane de Leon, pinagdududahan na sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

ABS-CBN News, may dalawang finalist sa SOPA Awards 2021